halos apat na oras na…

halos apat na oras na akong naghahagilap sa cyberspace ng paraan…kung paano ba makakawala dito sa bayan na to…bayan na minahal ko…pinaglaban…pero parang wala akong makitang paraan…ay hindi meron pala kaso malabo…gusto ko nang makaalis dito…kung makakaalis ako dito…masmarami akong magagawa sa buhay ko…ang hirap talaga ng walang trabaho…ilang beses ko bang uulitin? ilang beses ko bang papangarapin? gaano ba dapat kasidhi ang kagustuhan ko para ito magkatotoo? minsan nakakaiyak…ilang taon din ang nakalipas…naaalala ko yung mga panahong may sarili akong pambili ng kakainin ko, isusuot, iinumin…naaalala ko yung panahong hindi ako umaasa sa kahit kanino para mabuhay…ang tagal na nun…pitong taon na pala ang lumipas…lagi kong iniisip yung araw na may sarili na akong bank account ulit…may sariling bahay…yung talagang sa akin…kelan kaya ulit? sana maawa na sa akin si God…sana dinggin niya ako…gusto ko nang makatulong sa mga magulang ko…para makapag-ipon na si Daddy ng para sa sarili niya…minsan iniisip ko…kung napuwersa ako magpaaral ng isa sa mga kapatid ko…siguro nasa call center pa din ako ngayon…hindi tambay…pero may plano siguro para sa akin…kailangan lang hintayin…sabi ng Tatay ko wag daw ako magmadali…pero minsan hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip…na papaubos na ang oras…patuloy ang pag-inog ng mundo…at wala siyang hinihintay…pero naghihintay pa din ako…maghihintay…may magandang umaga na naghihintay sa akin…sana hindi ako bumigay…sana hindi ako mawalan ng pag-asa…

Advertisement
    • camile :)
    • May 30th, 2010

    Wag kang mawalan ng pagasa noh, keri lang yan. bat d mo subukan gumawa ng kahit ano? magwerk ka kat san, bsta start with something, at least. kaya mo yan! :)

      • purplerainfall
      • May 31st, 2010

      hehe…thanks sa comment…may iba pa palang nagbabasa ng blog nato bukod sa sarili ko…hehe…actually i can go back to working in a call center…para lang magkapera…it would be so easy for me…pero ayoko namang lumihis sa landas ng pagiging nurse…kaya kahit volunteer…papatusin ko pa din…para hindi mawala yung pinag-aralan ko…ayun…salamat sa encouragement…a few days after this post…nagkaroon ng sagot ang problema ko…at nagiiiyak ako sa quiapo church dahil parang…kahit ganito ako kasama…at kapasaway…eh hindi pa din ako pinapabayaan ni God…at nadidinig pa din niya talaga mga pagngangawa ko…kung sino ka man…thanks ulit… : )

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.